mapait na karanasan
Journal Entry: Tue Jul 1, 2008, 10:36 AM
- Mood:
Lazy - Listening to: the humming airconditioning system
- Reading: my list of previous journals
- Watching: nicky surf the web
- Playing: my hanky
- Drinking: gatorade "is it in you?"
Ang pait. Ang pait nung kape na katatapos ko lang inumin, pero nasarapan naman ako, basta kape eh nasasarapan ako, wag lang ung may mga nagswiswimming na langgam. May mga bagay na sa unang tikim eh hindi akma sa panlasa natin, pero sa kalaunan(wow, ang lalim) eh natutunan din nating mahalin o sa ibang salita eh nasasanay din tayo dito.
May trabaho na ako, oo kung titignan niyo lang siguro ako eh malamang di kayo maniniwala kahit sabihin ko na nagtatrabaho na ako, kasi naman, mukha lang akong studyante na dalawang taon nag first year, tatlong taong nag 2nd year, at isang dekadang tumambay. Okay, di naman siguro masyado. kunti lang, ika nga ni manny pacquiao. Speaking of Pacquiao, nagbunyi na naman ang buong bayan, kasama na pati si dating presidential speaker Ignacio Bunye, lahat ay nagsaya nang patumbahin, bugbugin, dikdikin, alipustahin, gilingin, putaktihin ng suntok, paduguin at araruhin ang kawawang si diaz. Para sa akin, kasalanan ni diaz kasi, madaming suntok na nga ang natanggap niya tuloy pa rin sa paglaban, nagmukha tuloy naaagnas na madame auring yung mukha niya. tapos ang nakakatawa pa, nung humiga na siya, nilapitan pa ni manny at gusto pa nitong bangunin si diaz, siguro nabitin si manny sa pagbugbog kay diaz. siguro sa isip ni manny eh, bangon diaz, may ipapakita pa akong stars sayo, ay ung moon pa pala di ko pa naipakita... tsk tsk tsk. brutal.
Balik tayo dun sa kape, so wala lang gusto ko lang maging intro yung kape. kaya yun, at ung pa effect na parang drama na linya? wala din yun, tungkol sa pagkapanalo talaga ni pakyaw ang topic dito.
Cge, panahon na para matulog, diaz tulog na. ulit.